Kabanata V

Go down

Kabanata V

Post by retblast19 on Tue Apr 28, 2009 5:34 pm

“Siguro naman madadala ka na ngayon” anito ng pagkarating nila sa bahay.

“Bakit kasi hindi mo pa ako palayain dito. Wala naman akong kasalanan sayo” inis na turan niya. Nakakainsultong ngumisi ang lalaki
“Sigurado ka bang gusto mo nang lumaya, sa kanbila ng ginawa ko kanina. Mukha namang nag enjoy ka kanina.”
Doon bumalik ang pagkapahiya niya, dahil sa pinaalala ng lalaki,”Bastos, antipatiko,” at naluluhang tumakbo si mary sa silid.

Mayamaya ay naramdaman niya na may kumakatok. Ang sama ng loob niya. Ayaw na niyang makita ang lalaki.

“Miss Damole, lumabas ka diyan!” anito sa maawtoridad na tinig.

“Ayoko, wag mo na akong pakialaman,”saad niya habang lumuluha.

“Miss Damole, mag usap tayo, wag mong panatilihin ang katigasan ng ulo mo, wawasakin ko ang pinto pag di mo binuksan ito.” nagbabanta nitong wika. “bibilang ako ng tatlo miss damole, isa dalawa….”bago pa makatatlo si manuel ay mamasa masang binuksan ni mary ang pintuan.

“Ano bang kailangan mo? Gusto mo na naman bang ipahiya ako ha?” aniya. Nahabag si Manuel sa hitsura ng dalaga. Ewan niya pero kahit pilit nag alit ang isaloob niya, mas awa ang nanaig sa puso nito. Pinahid niya ang luha nito. Niyakap niya ang dalaga at dinampian ng labi ang mamasa masa nitong pisngi. Hanngang sumapit iyon sa mga labi nito. Napakapit ang dalaga sa braso niya dahil sa pagkalito dulot ng halik nito.

“Ouch,”pakli ni Manuel habang hinahawakan ang braso nito.

“Bakit..Wahts wrong!” gulat na tanong ng dalaga habang tinatanggal ang kamay nito sa braso ng binata. “Anong nangyari ditto, bakit ka may sugat, halika gagamutin ko.” Nag aalalang wika niya.

“Wag na, ayos lang ako, napasabit lang siguro ako kanina sa gubat.”tanggi niya, dahil mas nais niyang malayo sa dalaga. Hindi niya makontrol ang sarili habang malapit siya rito.

“Hindi pwede, kelangan magamot yan kaagad, baka mamaga at maim…..”

“Hindi na sabi eh…kaya ko na to.” Medyo yamnot na wika niya. Natigilan ang dalaga sa reaksyon ng binata.

“Kung hindi mo na ako kelangan, babalik na lang ulit ako sa kwarto,” aniya sabay talikod ditto.

Sunod sunod na buntong hininga ang pinawalan ni Manuel. Lahat ay mali. Hindi ito ang plano niya. Habang tumatagal na magkasama sila ng dalaga ay lumalalim ang atraksiyon na nararamdaman niya para ditto. Baka pag lumaon ay hindi na niya makontrol ang kanyang sarili. Kung tutuusin ay walang kasalanan ang dalaga. Pero ito ang napagbalingan niya, kailangan na niya itong pakawalan bago pa siya magkasala ditto. Hindi niya alam kung bakit pero pag dating sa babae ay nakakalimutan niya ang poot sa ama nito. Hindi maaari iyon. Winasak ng ama nito ang buhay niya. Naikuyom niya ang mga palad.

Sinunod sunod niya ang lagok sa hawak na kopita ng alak ng maramdaman niyang may nagmamasid sa kanya.

“Lumabas ka riyan, may pag uusapan tayo,” aniya at nag aalinlangang lumabas si Mary sa pinagkukublian.. “Mag empake ka na ng mga gamit mo ngayon”

“Bakit? Papauwiin mo na ba ako?” malungkot na tanong ng dalaga. Hindi niya mabatid kung bakit sa halip na matuwa ay parang ang hirap isipin na malalayo siya sa binata.

“Oo, bakit ayaw mo ba?” paismid na tanong ng binata.

“Gusto pero….” Hindi na niya magawang tapusin ang mga sasabihin.

“Wala ng pero pero. Mag empake ka na ngayon, may lakad ako bukas ng umaga, babalikan kita para ihatid sa tanghali, pero kung gusto mo ng umuwi agad iiwan ko ang kotse, don’t worry, nasa batangas lang tayo,”pagtatapos ng binata at tumayo na ito at pumasok sa silid.

Naiwang nag iisip ang dalaga. Paano na ang binata kung aalis siya. Halos isang lingo na ang nakalipas, pero nasanay na siya sa presensiya ng lalaki na hindi pa niya alam ang pagkatao at kahit pangalan nito.
avatar
retblast19
• SuperForum Moderator

Posts : 78
Join date : 2009-04-27
Location : Batangas City

View user profile http://profiles.friendster.com/ninetailedbeast

Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum