Kabanata XI

Go down

Kabanata XI

Post by retblast19 on Tue Apr 28, 2009 5:53 pm

Malapit ng magi sang buwan, ngunit hindi pa niya ulit nakikita si Manuel. Dumadalaw siya sa Mental institution ngunit hindi pa din daw ito dumadalaw doon.

Isang umaga’y nagising na alng si Mary na masamang masama ang pakiramdam. Tumakbo siya sa kusina, at doon siya nagduduwal. Kinabahan siya dahil dito. Nung isang araw ay tatlong malalaking mangga ang panakaw niyang kinuha sa kusina na ginagamit ni Aling Anna na panuka. Sintomas iyon ng nagdadalang tao. Bigla na naming humalukay ang kanyang sikmura.

“Iha, anong nangyayari sayo?” tanong ni Aling Anna na nasa likod na ni Mary.

“Masama lang ho ang pakiramdam ko Aling Anna.” Aniya

“Naku, magpatingin ka na sa Doctor kung ganun.” Pag-aalala ng matanda na biglang sulpot naman ni Don Marlo.

“Anna, anak, what’s wrong?” tanong nito.

“Itong anak mo, masama raw ang pakiramdam, sandali lang at ikukuha ko ng tubig.” Anito at dali-daling tumalilis.

“Anak, putlang-putla ka.” Nag-aalalang wika nito sabay salat sa noon g dalaga. “Wala ka naman lagnat.” Napatitig ito sa mukha ng dalaga. Nakita ng Don na may luhang unti-unting pumapatak sa mga mata ni Mary. Tinitigan niya ang Don, nakuha na nito ang ibig niyang sabihin. Awang-awa ang Don sa kanyang anak. Niyakap niya ito ng mahigpit. “Anak, everything will be alright.” Anito at hinaplos ang buhok ng dalaga.

“Dad, anong gagawin ko ngayon?” lumuluha niyang saad.

“Andito naman ako at si Aling Anna, hindi ka naming pababayaan.” Saad nito.

“Thanks Dad.” Ani ng dalaga.

Buhat sa malayo ay lagging natatanaw ni Manuel si Mary na kasama si Dr. Con. Nsasaktan si Manuel sa tuwing nabubungaran niya ang tagpong iyon. Hindi na niya magawang tumuloy sapagkat nagsisikip ang kanyang dibdib. Nitong mga nakaraang araw ay lagging ang dalaga na lang ang nasa isip niya. Kitang kita niya ang sweetness ng dalawa, sa kabila pala ng nangyari sa kanila ay parang balewala lang sa dalaga iyon. Nagring ang celphone ng binata. Hindi niya kilala kung sino ang tumatawag.

“Hello, Who’s this please?” nagtatakang tanong ng binata.

“Manuel, pwede ba tayong mag-usap?” anang pamilyar na boses sa kabilang linya. “Please Manuel, I need to talk to you.” Anito.

“Napakuyom ang palad ni Manuel at naningkit ang mga mata. Doon nabuo ang kanyang plano. “Saan tayo mag-uusap?” ito na ang pagkakataong hinihintay niya laban kay Don Marlo Kinney Damole.

Balisang balisa na kanina pa si Mary at Aling Anna, pasado alas onse na ng gabi ay hindi pa din umuuwi si Don Marlo.

“Aling Anna tumawag na kaya tayo ng pulis?” nag-aalalang wika niya sa matanda. “Ano po bang pagpapaalam niya sa inyo?” tanong niya dito.

“May mahalaga raw siyang kakausapin, kakausapin daw niya yung taong nagngangalang Manuel Chua bay un?” sabi ng matanda kay Mary.

“Si Manuel?” biglang nagflash sa isip niya ang balak nitong paghihiganti sa ama. “Napakawalang puso talaga ni Manuel!” yun lang ang nabanggit niya at dalidali siyang umalis ng bahay.

“Iha, saan ka pupunta?” hindi na niya pinansin ang tawag ng matanda. Magtutuos sila ni Manuel. Buti na lang at kinuha niya ang address nito sa maynila. Nang nasa tapat na ng may kalakihang bahay ni Manuel, ay nagdoorbell siya. Nagilat siya ng isang magandang babae ang nagbukas ng gate, ngunit wala siyang pakialam basta ang mahalaga ay Makita niya si Manuel, dirediretso sa pagpasok sa bahay.

“Hey, wait, sinong kailangan mo?” sabi ng babaeng nagbukas ng gate.

“Manuel, lumabas ka diyan, magtuos tayo!” sigaw ni Mary at mula sa kusina ay lumabas si Manuel.

“Mary? Anong…” Hindi na nito nagawang tapusin ang sasabihin, sinugod na siya ni Mary at pinagsusuntok ang binata. Kahit anong pagpipigil ang gawin ng binata ay hindi niya magawang pigilan si Mary.

“Walanghiya ka, saan mo dinala ang Daddy ko? Napakawalang puso mo, nasaan ang Daddy ko Manuel?” anito at biglang humagulhul ng iyak.

“Mary, hindi ko alam ang sinasabi mo? Calm down.” Ani Maneul na naguguluhan.

“Calm down? Gusto mong kumalma ako, hayup ka, wala kang kwenta, nasaan ang daddy ko.” Nagwawala at nagpupuyus pa din sag alit si Mary.

“Ano bang nangyayayri dito Manuel at sino ang babaeng yan?” maarteng tanong ng babae. “Paalisin mo siya Manuel, nangugulo siya dito.” Anito.

“Will you please shut up!”ba;ing sa kanya ni Mary, hindi ka kasali dito!” Galit na wika niya sa babae. Sumabat naman si Manuel.

“Mary. Let me explain.” Ani Manuel.”

“Manuel, sino ba ang bruhang babaeng yan?” iritableng tanong ng babae.

“Tumigil ka na lang diyan Diana!” matigas na wika ni Manuel ngunit sa pagkakabigla nilang pareho ay kinaladkad ni Diana si Mary. Na out-of-balance siya kaya namimilipit na napaupo si Mary sa sahig habang sapo ang tiyan.

“Mary, oh my God, what the hell are you doing Diana.” Takot na wika ni Manuel. Napaatras naman ang babae dahil sa gulat. Nagtatakbo pa ito palabas ng bahay.

“Mary, hold on, dadalhin kita sa hospital.” Ani Manuel at dalidali niyang binuhat papunta sa kanyang sasakyan. Dinala niya ito sa pinakamalapit na Hospital.
avatar
retblast19
• SuperForum Moderator

Posts : 78
Join date : 2009-04-27
Location : Batangas City

View user profile http://profiles.friendster.com/ninetailedbeast

Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum