Kabanata II

Go down

Kabanata II

Post by retblast19 on Tue Apr 28, 2009 5:26 pm

Nagising si mary na nakatali ang mga kamay at paa. Nakahiga siya sa isang malambot na kama at tingin niya ay ayos naman ang silid. Nakita niya ang dalawang lalaking kapwa balbas sarado na nakatingin sa kanya.

“Gising na pala ang magandang binibini”anito na nakangisi.”Siguro naman pare bago natin isulit kay boss eh pwede muna nating pagsawaan”

“Pwede rin, hindi naman siguro magagalit si bossing”sabi naman ng isa pa.

“Anong gagawin niyo sa akin?”nahintakutang tanong ni mary sa mga lalaki. Lumapit ang isang lalaki at sinimulang halikan si mary.

“Ang bango bango mo naman, at ang ganda mo pa, ano kayang atraso ng isang magandang dilag kay bossing?”

“Sino ba boss niyo?”Aniya na hindi alam ang gagawin dahil sa kilabot na nararamdaman.

“Wag ka munang magtanong, tapusin muna natin to”saad ng lalaki.

“Maawa ka, wala akong kasalanan sa inyo”aniya na nagsimula ng pumatak ang luha dahil sa pandidiri.

“Masaki!!,isang tinig ang nakapagpahinto sa lalaki.

“Boss, tinitikman ko lang naman po,..”hindi na nito naituloy ang sasabihin at mabilis na dumapo sa kanyang mukha ang kamao ng lalaki na tinawag nitong boss.

“Hindi kita binayaran to do this things without my order.”
“Boss, hindi ko lang po napigilan ang sarili ko,”anito na takot natakot.

“Lumayas ka na dito bago pa kita mapatay”anito, ”Ayoko ng makita ang pagmumukha mo, maliwanag,”

“Opo..opo boss,”anito at dali daling tumalilis.

Lumapit sa kanya ang lalaki. Napagmasdan niya itong mabuti. Taliwas sa inaasahan niya ang itsura nito. Ang akala niyang mataba, panget at malaki ang tiyan ang kumidnap sa kanya,nagkakamali siya, matangkad, matipuno at gwapo ang lalaking nasa harapan niya na talagang hahangaan ng mga kababaihan. Kahwig nito ang isa sa mga partisipante sa PINOY FEAR FACTOR. Natigil ang pag mumuni muni niya ng magsalita ito.

“Pasado na ba ako miss?” Nang iinsultong wika nito, pinamulhan naman ng mukha si mary sa sinabi ng lalaki.

“Sino ka ba, at anong kailangan mo sa akin? Pera, ibibigay ko sayo lahat pakawalan mo lang ako!”

“Kayo talagang mayayaman, akala niyo lahat ng bagay matatapatan ng pera” Nakita ni mar yang kakaibang galit sa mukha nito.

“Eh ano bang kailangan mo sa akin,”naguguluhang wika ni mary, kung hindi pera, ano ang kailangan ng lalaking ito sa kanya, ang kanyang katawan, pero natawa siya sa inisip niya,kung ganun naming kagwapo eh okay lang,,minura niya ang sarili dahil sa inisip.

“Hindi magandang pag usapan yan ngayon” anito at tumalikod at may kinuha sa table.”Oh kumain ka muna at ng lumakas ka, at wag kang mag inarte kasi walang lason yan,”

“Ayokong kujmain”matigas na tutol niya kahit ang totoo ay kumakalam na ang kanyang sikmura.

“Matigas din pala ulo mo, mana ka talaga sa daddy mo,saying ang kagandahan mo”anito habang kinakalasan ang tali sa kamay niya. “Hayan makakakain ka na.”

“Sandali, kilala mo ang daddy ko?” tanong niya ngunit wala itong nakuhang sagot mula ditto.

“Aalis lang ako at huwag kang magtatangkang tumakasdahil nakalock lahat ng pinto ditto,walang makakarinig sayo kahit magsisigaw ka,tayong dalawa lang ang tao sa lugar na ito.”

“Maawa ka, pakawalan mo ako dito, ayokong maiwan kasam mo ditto,”aniya.

“At wag ka ring mag alala, wala akong balak sa katawan mo, hindi kita type”,anito sabay talikod at nilock ang pinto.

“Walang hiya ka, nag ngingitngit na sigaw nito, nainsulto siya sa mga sinabi ng lalaki, porket gwapo ito ay iniinsulto na niya siya, pwede nga siyang ihilera sa mga artista, kung magkakaron man ng Beauty pageant, hindi siya papatalo. Pero bakit siya nagagalit, dapat nga eh matuwa siya dahil safe na safe siya dito. Kahit siya ay naguguluhan din.
avatar
retblast19
• SuperForum Moderator

Posts : 78
Join date : 2009-04-27
Location : Batangas City

View user profile http://profiles.friendster.com/ninetailedbeast

Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum