Kabanata XII

Go down

Kabanata XII

Post by retblast19 on Tue Apr 28, 2009 5:56 pm

Nang magkamalay si Mary ay nabungaran niya kaagad si Aling Anna at Manuel.

“Aling Anna, where is Daddy?” tanong niya sa matanda.

“Wala pang balita iha.” Ani ng matanda. Magpahinga ka muna Iha, makakasama sayo kung mag-iisip ka palagi.”concern na wika nito.

“Kumusta po ang baby ko?” nag-aalalang tanong nito.

“Ok lang siya anak, mahigpit ang kapit ng bata Iha, wag kang mag-alala.” Anito at sabay binalingan ng tingin si Manuel. “Mag-usap muna kayong dalawa.” Saka ito umalis.

“Ano pang kailangan mo sa akin Manuel, nakuha mo na ang lahat sa akin, ano pang gusto mo?” naluluhang wika niya.

“Mary, wala akong kinalaman sa pagkawala ng Daddy mo?” naguguluhang wika ng binata. Gustong maniwala ni Mary dito pero nanaig ang poot sa kanyang dibdib dahil sa nagawa nito sa kanya dati.

“Umalis ka na! ayolo ko nang Makita ka pa kahit kalian.” Aniya sa kabila ng sakit na nararamdaman.

“Pero, Mary… paano ang… paano ang baby…” nagulat man sa tanong nito ay hindi nagpaapekto ang dalaga.

“Wala kang karapatan sa bata.” Kahit labag sa loob ni Mary ay nasabi niya ito dito.

“Pero anak ko ang batang yan!” sabi ng binata.

“Nasisigurado mo ba yun Manuel, are you sure na sayo nga ang bata? Umalis ka na dito, hindi kita kailangan, kailangan ko ang Daddy ko.” Aniyang pinagtabuyan si Manuel.

Sobrang sakit para kay Manuel ang mga narinig. Paano kung si Con at hindi siya ang ama nito. Pilit na siyang piangtabuyan ng dalaga. Talagang wala na siyang halaga dito.

“Gagawin ko ang lahat ng paraan para Makita ang Daddy mo, hindi na kita guguluhin Mary. Tandaan mo mahal na mahal kita.” Sabi ng binata saka malungkot na tumalikod. Bumuhos ang mga masaganang luha sa mga mata ng dalaga. Bakit niya nagawang ipagtabuyan ang lalaking kanyang mahal? Paano na siya at ang magiging baby nila.

Ilang araw ay nailabas na rin ng hospital si Mary, kasunod niyon ay ang pagkakabalita sa T.V ang isang kidnap for ransom resque. Kasunod niyon ang apg uwi ng Daddy niya kasama ang ialang opisyal ng police.

“Dad, anong nangyari sayo, nasan si Manuel, siya ba may pakana nito?” naiiyak sa tuwa na wika ng dalaga.

“Shhh…anak listen, walang kinalaman si Manuel sa akin.” Wika ng Don sa kanya.

“Pero diba siya ang huling taong kinausap mo? Please explain it Dad.!” Aniyang naguguluhan.

“Ganito yun, yes I talk to him, nung una galit nag alit siya sa akin, kitang kita ko sa mga mata niya ang poot, nkita ko sa reaksiyon niya na gusto niya akong patayin. Pero nang malaman niya na tungkol sayo ang topic, nakinig siya sa akin, humingi ako ng patawad at pinatawad niya ako lalo pa ng malaman niya na magiging tatay na siya.” Pagpapaliwanag ng Don.

“Sinabi mo sa kanya Dad?” tanong ng dalaga.

“Yes, iha I thought iyon ang makakabuti, he loves you too iha, kitang kita ko sa mukha niya ang saya. Hiningi nga niya sa akin ang kamay mo, pagkatapos ng pauwi na ako , may kumidnap sa akin at hindi si Manuel iyon. Nangangapa ang dalaga sa natuklasan. Naguiguilty siya sa nagawang pagbibintang kay Manuel.

“You need to say sorry iha, and you know what si Manuel at ang grupo niya ang nagligtas sa akin iha. He is so brave, nagawa niyang pasukin ang building ng nag iisa. Alam kong pag siya ang nagging asawa mo, your safe.” Pagkukwento ng Don.

“Dad, mukhang malabong mangyari yun, he told me na hindi na niya ako guguluhin.” Wika niya na ikinalungkot naman ng Don.

“Iha, say sorry to him before he leave.”anito

“Before he leave? Why Dad?” taking tanong ng dalaga.

“Tumanggap siya ng offer galing sa Air Force ng US. Nakita nila ang katapangan ni Manuel at ang husay nito.”

“Ganun po ba Dad? I will do it as soon as possible.” Aniya rito.
avatar
retblast19
• SuperForum Moderator

Posts : 78
Join date : 2009-04-27
Location : Batangas City

View user profile http://profiles.friendster.com/ninetailedbeast

Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum