Kabanata I

Go down

Kabanata I

Post by retblast19 on Tue Apr 28, 2009 5:23 pm

“Aling Annalyn si Daddy ho!”Tanong ni mary sa medyo matanda na nilang katulong sa bahay. Parang tunay na ina na rin ang turing niya ditto dahilmaaga siyang naulila sa ina at nakagisnan na niya ang katulong mula pa noong siya ay limang taong gulang pa lamang.

“Nasa kuwarto pa siya iha”anito habang ipinagpapatuloy ang ginagawa.”Nagbilin siya na gisingin ng maaga, may board meeting yata”.
Napabuntong hininga si mary, puyat na naman marahil ang kanyang ama. Napakaworkaholic kasi nito. Kung tutuusin madame naman silang tauhan sa sariling kumpanya na maaaring pagkatiwalaan. Napakalaki ng kumpanya ng daddy niya. Ang mga customer nila ay mga kilalang tao sa lipunan. Papabagsak na ito noon ng iwanan ng lolo niya, pero dahil sa pagpupursige ng daddy niya ay bigla itong lumago. Nag mamanage din ito ng 2 restaurant na talagang tanyag na sa kamaynilaan.

“Ah Aling Annalyn ako na lang po gigising kay daddy, handaan niyo na lang ho siya ng almusal,aniya sa matanda”.

“Oh sige, magaling pa nga iha, total eh minus diyes at mag aalas otso na”
Nag diretso si mary sa kwarto ng daddy niya, nakaugalian na nito ang hindi maglock ng pinto kaya dumiretso siya ng pasok doon.

“Daddy, its almost 8 o’clock, wake up na, mahuhuli ka na sa board meeting”aniya sa tono na may paglalambing. Nagmulat ito ng mata.

“Ikaw iha, bakit hindi ka pa pumapasok sa eskwela” anito at pupungas punas na bumangon.

“Eh Daddy hinintay talaga kita,lagi na lang si Mang Marts ang kasabay kong pumasok eh,gusto ko eh ikaw naman maghatid sa akin sa school,on the way naman ang school sa office niyo”.aniyang pumulupot sa bisig ng ama, nakagawian na niyang gawin iyon tuwing maglalambing ditto.

“Hay naku kung hindi ko pa alam gusto mo lang sabihin sa akin na ikaw na **** ang magmamaneho”anito sabay akbay sa kanya.

“Eh Dad bakit ba ayaw ,o? malaki na ako, saka I know how to drive,” aniya, ”Sayang naman yung ginastos niyo sa driving lessons ko kung hindi ko gagamitin diba?”

“Hay naku anak, magtatalo na naman ba tayo, I don’t care about your driving lessons, all I care is your safetyness at walang makababali ng desisyon ko”matigas na sabi ng daddy niya.

Hindi na niya nakuhang magsalita. Dumiretso na siya sa kwarto niya para magbihis, kahit naman anong pilit niya sa daddy niya ay nawawalang saysay. Napaka overprotective nito.

“Iha ready to go” katok ng daddy niya sa pinto ng ilang minuto ang lumipas.

“Yes dad” matamlay siyang lumabas sa silid.
Hanggang sa kotse ay hindi sila nag iimikan ng daddy niya. Nagsalita lang ito nang pababa na siya sa kotse. Batid din nito na may tampo siya dito.

“Oh iha, ingat ka, mamaya eh ipapasundo na lang kita kay Mang Marts”,anito.
“sige dad, ingat sa pagdadrive” aniya at bahagya pa siyang kumaway sa papalayung ama.

“Oh bakit ke aga aga ay busangot yang mukha mo” ani jasz ng pumasok na siya sa kanilang silid aralan, matalik niya itong kaibigan mula pa noong first year college sila hanggang ngayong fourth year na sila sa kursong Business Management. Gusto niya kasi ang kalukahan ng kaibigan.

“Kasi tulad ng dati, natutulan na naman ang gusto” aniya na ikinapangiti ng kaibigan,”oh eh ingini ngiti mo diyan”.

“Eh kasi naman, iyan nalang lagi ang pinaguusapan antin, may point naman kasi ang daddy mo!

“Isa ka pa, kinampihan mo pa si daddy”.

“Eh kasi nga po delikado sayo, madaming katunggali sa negosyo ang daddy mo, baka mamaya bigla ka na lang kidnapin, o kaya bigla kang barilin ng shot gun, timbog ka agad doon”

“Ano ka ba, kinikilabutan ako sa sinsabi mo eh, tumigil ka nga” aniya na natatawa sa kaibigan.

“Oh, di kita mo na takot ka rin naman pala eh,”

“Sino bang tao ang nakita mo na papatayin na nakangiti pa,”

“hummm,, si Rene Recestas” anito na sabay nilang ikinatawa.

Natapos na ang last subject nila kaya handa na ring umuwi si mary, ng Makita niya si jerdz, na sa kamalasan ay hindi man lang niya natipuhan. Andami na nagtangka na manligaw sa kanya pero basted lahat sa kanya. Ito lang isang ito ang makulit at matiyaga sa katarayan niya. Nasa kanya na kasi ang isang katangian ng babae na hahangaan ng kahit na sinong lalaki. Maganda, matalino, mayaman at malakas ang dating.

“Hi mary, pwedeng sumabay?”anito.

“Bakit akin ba ang daan at nagpapaalam ka sa akin,”mataray niyang sabi ditto.

“Taray naman nito oh. Pero lalo kang gumaganda pag nakasimagot ka” Hindi na lang nito pinansin ang binata at patuloy na lumakad patungong gate ng university kabuntot pa rin si jerdz ng bigla siyang natigilan.
“Whats wrong??”Tanong ng lalaki.

“Bakit nandito yung kotse naming wala naman si Mang Marts” aniya.

“Siguro may binibili lang” anito pero iba nag kutob ni mary, natanaw niya kasi sa di kalayuan na may isang itim na kotse na nakahinto, at may sakay na kalalakihan, bago pa siya nakapagsalita ay nakalapit na ang mga armadong lalaki sa kanya.

“Mister, kung ayaw mong madamay rito ay umalis ka na lang, ngayon din”sabi ng isang balbas saradong lalaki kay jerdz at hinatak siya palayo.

“Bitawan niyo ko, ano bang atrso ko sa inyo. Walang hiya kayo,”aniya.
“Jerdz tulungan mo ko” Pero biglang kumaripas ng takbo si jerdz. Nahabag ang buntot ng lalaki.

“Miss, wag ka na lang mag ingay, masisiyahan ka naman sa pupuntahan natin” at humalakhak ito na parang demonyo.

Bago pa siya nakapanlaban ay nahilo na siya sa amoy ng panyo na ipinantakip sa ilong niya.
avatar
retblast19
• SuperForum Moderator

Posts : 78
Join date : 2009-04-27
Location : Batangas City

View user profile http://profiles.friendster.com/ninetailedbeast

Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum