Kabanata X

Go down

Kabanata X

Post by retblast19 on Tue Apr 28, 2009 5:51 pm

Bakit siya nagkakaganito, hindi dapat niya iniisip ang babaeng dugo at laman ng taong wumasak ng dating masaya niyang pamilya, dapat niyang labanan ang pag ibig at ipakita rito na hindi niya ito tunay na mahal, na pinaglalaruan lang niya ito. Nagbihis siya pagkatapos ay kinuha ang susi ng kotse.

MENTAL INSTITUTION
Matagal tagal na rin na hindi nadalaw ni Manuel ang kanyang kapatid, namimiss na niya ito.

“Good morning Mr. Chua” bati ng babaeng nurse na nasa bungad ng Mental Hospital.

“Good Morning Mrs. Teotico, musta si jommy?”ganting bati naman ng binata.

“Ayus naman siya, nasa Canada pa rin, baka next month balik na ulit siya sa Pinas, tapos na kasi yung projects niya dun.” Mahabang pagpapaliwanag ng nurse.

“Ganun ba? Sige una na ko. Puntahan ko na kapatid ko.”pagpapaalam ng binata.

Nagdiretso siya sa pasilyo, sabik n sabik na siyang makitang muli ang kapatid. Ngunit natigilan siya ng buhat sa malayo ay natanaw niya ang babaeng kanina lang ay iniisip niya.

“Anong ginagawa mo dito?” pagalit niyang tanong ng makalapit siya dito.

“Dumadalaw sa kapatid mo, masama ba?”mataray na sagot ng dalaga kahit ang totoo ay sabik din itong Makita at mayakap ang binata.

“Paano mong….” Hindi na naituloy ni Manuel ang balak sabihin.

“Wala kang karapatang dalawin siya!” nasaktan si Mary sa narinig pero hindi siya nagpaapekto sa pagkakataong iyon.

“Hindi naman sayo ang hospital na to ah, at kahit sino pwede kong dalawin” gagad niya. Natigilan ang binata pero hindi rin nagpaapekto.

“Oh sige, dalawin mo kahit sino wag lang ang kapatid ko!”anito na mukhang galit sa dalaga.

“Kuya, away ba kayong dalawa?” inosenteng tanong ni Apol na parang bata. Ito oh balil, balilil mo siya..” anito

“Umalis ka na lang, ginugulo mo lang ang kapatid ko!”

“Kuya, wag mo siyang paalisin, maglalalo pa kami..”Balil-balilan, di ba ate Mary?”

Nagkatinginan ang dalawa dahil sa tawag nito sa dalaga pero sabay silang nagbawi ng tingin.

“Narinig mo ah sinabi niya, ayaw niya akong paalisin.” Pangiinsultong wika niya sabay halukipkip.

“Come on Mary, alam mong wala siya sa tamang pag iisip, ako ang masusunod at hindi siya.”

“Mukhang nagtatalo kayo ha?” ani ng isang tinig mula sa likuran nila.”Ano bang problema honey?”

“Ahm, wala naman. Konting misunderstanding lang, di ba Mr. Chua?”baling nit okay Manuel.

“Good morning Mr Chua.” Baling naman ni Conceal sa binata.

“Good morning,” ganting bati naman niya sa may ari ng hospital.

“Mary, honey halika kana, di ba treat kita this day,” anito sabay akbay kay Mary.

“By the way, goodbye Mr. Chua. At pasensya ka na pare.”hindi man lang sumulyap sa kanya ang dalaga. Nanatiling walang imik si Manuel. Di yata at nobyo ni Mary si Dr. Con na may ari ng hospital. Parang tinarak ng patalim ang kanyang puso. Nasaktan siya na may nagmamay ari nap ala ng puso ni Mary.

“Sayang, kung hindi ka sana anak ng taong kinasusuklaman ko, at sumira ng masaya kong pamilya, mamahalin kita ng buong puso.” Aniya sa sarili. Pero tumututol ang puso niya. Sinasabi nito na mahal niya ang babae kahit sino pa man ito.
“Kuya, bakit mo siya pianaalis?” pahikbing tanong kapatid niya.

“Kasi diba, kita mo naman, sinundo na siya ng BOYFRIEND niya.” Aniya sa kapatid.

“Ay, boyfriend niya yun. Hehehehehe, boyfriend niya yun kuya?” anitong natatawa tawa.

“Bakit anong nakakatawa?”medyo inis na wika niya sa kapatid ng biglang dumating ang ibang mga pasyente na may dalang watergun.

“Kuya, laro lang kame ha.”ani apol at oaring batang nakikipagbarilan sa mga kasama.

Naiiling na nagtataka si Manuel sa pagtawa ng kapatid. Oo, wala ito sa tamang pag iisip ngunit parang may alam ito kaya tumawa ito ng sabihin niyang “boyfriend” ni Mary si Dr. Con. Napabuntong hininga na lang ang binata.
avatar
retblast19
• SuperForum Moderator

Posts : 78
Join date : 2009-04-27
Location : Batangas City

View user profile http://profiles.friendster.com/ninetailedbeast

Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum