Kabanata III

Go down

Kabanata III

Post by retblast19 on Tue Apr 28, 2009 5:29 pm

Nakaramdam si Mary ng pananakit ng sikmura, gabi na sa oras na iyon, sinipat niya ang orasan,pasado alas dose na ng gabi. Pero paano siya makakaalis gayong nakalock ang mga pinto. Hindi naman niya balak tumakas. Gusto lang niyang kumain sa labas, gutom na talaga siya.

“Bakit gising ka pa” Muntik na siyang mapasigaw sa sobrang gulat, may kasama pala siya sa kuwarto na nasa isang tabi at umiinom ng alak.

“Ano ka ba, nanggugulat ka naman eh,”naiinis niyang turan, ”Ano ginagawa mo dito”.

“Matakaw ka siguro sa kape kaya ka mgugulatin”.ismid nito.

“Siguro binobosohan mo ako no, siguro habang tulog ako pinagnanasahan mo ako,”biglang sambit niya.

“Di sanay kanina ko pang ginawa kung gusto ko,pero sorry hindi kita gusto. At saka baka nakakalimutan mong pamamahay ko ito Miss DAMOLE, anytime pwede akong pumasok dito kung gusto ko,”

Si mary naman ang natigilan sa sinabi ng lalaki.

“Nagugutom ka na ba?”tanong nito

“Oo, pero gusto ko pakawalan mo ako dito at kakain akong mag isa.”Pa gamin niya sa lalaki.

“Hindi pwede. Malay ko ba kung bigla kang tumakas, kawawa ka naman kapag nakalabas ka ng bahay, baka malapa ka pa ng mga mababangis na hayop diyan sa labas.”anito”Diyan ka muna at ikukuha kita ng makakain.”

Iginala niya ang tingin sa rehas na bintana, nakakatakot sa labas. Nasa gitna pala sila ng gubat. Nagayon lang niya napansin. Saaan kaya siya dinala ng lalaking ito. Mayamaya lang ay bumalik na ang lalaki.

“Heto kainin mo yan, pasensya na ako lang nagluto niyan.”

“Marunong kang magluto?” nagtatakang tanong niya. Talagang kahanga hanga ito, kung hindi nga lang siya kinidnap nito ay baka mainlove siya dito. Saying, bulong niya sa sarili.

“Bakit babae lang ba maaaring magluto?” anito na walang ekspresyon sa mukha.

“Siya nga pala, anong pangalan mo.” Aniya sa gitna ng pagnguya.

“Hindi kita dinala dito para usisisgin ang buhay ko,”

“Suplado mo naman,gwapo ka siguro kung ngingiti ka?” aniya na hinuhuli ang kahinaan ng lalaki pero bigo siya.

“Tumigil ka diyan, ang daldal mo,kumain ka na lang miss Damole.” anito.

“Bakit mo alam apelyido ko,” takang tanong niya.

“Ang kulit mo talaga, siguro pagkatapos mo kumain, kelangan ko ng busalan ang bibig mo!” inis na oakli nito kaya natahimik ang dalaga, Ayaw niyang mabusalan sa bibig.
avatar
retblast19
• SuperForum Moderator

Posts : 78
Join date : 2009-04-27
Location : Batangas City

View user profile http://profiles.friendster.com/ninetailedbeast

Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum