Kabanata IX

Go down

Kabanata IX

Post by retblast19 on Tue Apr 28, 2009 5:45 pm

Inahatid na ni Manuel si Mary hanggang sa tapat ng gate nila.

“Hindi mo ba gusting pumasok,” nag-aalinlangang tanong ni Mary.

“Pagpasok ko diyan, maalin sa amin ng daddy mo ang maaring mamatay!” tiim bagang wika niya.

“Ano ba talagang atraso sayo ni Daddy?” naiinis na tanong niya dito.

“Just shut up! Sige alis na ako.” Sabi ng binata sabay haharurut ng sinasakyan. Naiwan ang dalaga na habol ang tingin sa papalayong sasakyan ng binata. “Kelan kaya niya ulit makikita ang binata o makikita pa kaya niya ito?” tanong niya sa kanyang isip.

Nagdoorbell siya sa kanila at ng Makita siya ng guard ay agad niyang ipinalam sa Don na nandito na ang dalaga kaya humahangos na sumalubong si Aling Anna at si Don Marlo.

“Iha, Thank god you’re ok, halos ikamatay ko ang pagkawala mo.” Maluhaluhang wika ng daddy niya. “Anong ginawa nila sayo? Sinong may pakana nito? Pano ka nakauwi?” sunod-sunod na tanong nito.

“Dad, wait, nobody kidnap me…” maikli niyang tugon.

“What?” pagtataka ng Don.
“Aling Anna, Dad, I’m so tired, I need to rest, please excuse me.” Aniya at tuloy-tuloy na pumasok sa kanyang silid. Naiwan ang nangangapa sa dilim na si Aling Anna at Don Marlo.

Panay ang agos ng luha ni Mary ng makapasok siya sa silid. Naaalala niya kasi ang nangyari sa kanila ni Manuel. Parte kaya yun ng paghihiganti ng binata sa kanya? Mayamaya pa ay kumatok ang kayang Daddy sa pintuan ng kanyang silid.

“Iha, open the door, we need to talk,” nagmamakaawang saad nito. Panahon na nga siguro para malaman niya ang totoo.

“Come in Dad,” wika niya

“Iha, I’ve looking for you for almost 1 week, pero hindi ka namin nakita, I know something is wrong, pero ayaw mong sabihin. Tinakot ka ba nila or what? Iha, don’t worry, I will listen, just tell me para hindi naman ako nangangapa sa dilim, halos ikamatay ko ang pagkawala mo. I’m afraid na baka kung anong ginawa nila sayo, jerdz tell me that you’re kidnap.” Ani ng Don, napansin nito ang pagbabago sa dalaga, medyo namayat ito at nagingitim ang gilid ng mata na halatang puyat.

“Dad, before I answer your question, let me be the first to ask.”aniya

“To ask what?” tanong ng Don dito.

“Who was Manuel Chua Jr. in your life?” nag uusig na tanong niya sa ama.

“Manuel Chua?” ulit ng Don na waring nag-iisip.

“Castillo!” bglang nakita niya sa mukha ng Don ang pangamba. “You meet him,” tanong nito.

“Answer my question first Dad.” Pagmamatigas niya.

“Anak, Manuel Chua is not important matter do discuss” sabi ng Don na waring umiiwas.

“What if I told you, he is the responsible in kidnapping me!” nang aarok na wika niya sa ama. Napakuyom ang palad ng Don.

“What? Where is he, I will kill him!” galit nitong saad.

“Kill him? Or he will kill you? Sabi ng dalaga na hindi maitago ang pag-uusisa sa Don. “Dad, please tell me the truth.” Aniya.

“Ano bang sinabi sayo ng Manuel nay un at ganyan ang pakikitungo mo sa akin ngayon, ipapakulong ko ang lalaking yun.” Anito.

“No daddy! Walang makukulong. I will not allow you to do that.”wika ng dalaga.

“But why?” naguguluhang wika ng Don.

“Because I love him. I love him Dad.” Kasbay ng pagsabi niya nun ay ang pag agos ng kanyang luha.

“Dad, please tell me what’s wrong between you and Manuel.” Nagmamakaawang tanong niya sa ama. Nang hihinang napaupo ang Don sa kama. Bakit kelangan pang maungkat ang nakaraan at ang maaapektuhan ay ang kanyang anak.

“Ok, I will tell you but please believe me na nagsisisi na ako” anito sa anak naluluha na rin.

“Dala ng pagiging babaero ko noon, nakilala ko ang ina ni Manuel. May dalawa ng anak si April, si Manuel at si Apol. Nagsama kaming dalawa ni April na lingid sa kaalaman ng mga anak niya. Ngunit ng makita ko si Apol, nabighani ako sa kagandahan niya. Nalaman ni April na may relasyon din kami ng anak niya. Tapos… tapos…hindi na magawang ituloy ng Don ang mga sasabihin.

“Tapos ano Dad?” Ani Mary.

“Nagpakamatay ang ina ni Manuel, saka ko naman nalaman na may anak ako sa mommy mo, at ikaw yun. Gusto kong panagutan ka kaya pinakasalan ko ang mommy mo. 5 years old ka palang nun. I swear minahalo ko mommy mo, kaya kinalimutan ko lahat ng babae ko. Nabalitaan ko na lang na nasa Mental na si Apol. But honestly, pinagsisisihan ko na lahat ng ginawa ko. Maniwala ka anak, matagal ko nang pinagdusahan iyon. Nang mawala ang mommy mo when you are 7 years old pa lang, I thought ito na ata ang karma ko.” umuluhang wika ng Don.

Napasapo naman sa noo si Mary. “Kaya pala, kaya pala ganun na lang ang galit sa inyo ni Manuel, kaya pala kinidnap niya ako, at….Dad bakit niyo nagawa yon.” Humahagulhul na wika niya.

“Anak, sinaktan ka ba niya, I’m sorry, nagsisisi na ako anak.” Sabi ng umiiyak na Don.

“No Dad, he didn’t do anything to me, but he hurts my heart. Dad, I learn to love him, siguro yun ang ginawa niyang paghihiganti, ang paibigin ako. Dad, what should I do?”nanghihinang wika niya.

“Gusto mo bang puntahan ko siya, I want to talk to him, kung kinakailangan kong lumuhod gagawin ko para sayo anak.”wika ng Don.

“No Dad, ako na ang bahalang lumutas nito, wag kang mag alalala dad. Hindi ako galit sayo, im sorry din kung tumaas boses ko kanina. Alam ko na nagsisisi ka na.” sabi ng dalaga pagkatapos ay niyakap ng mahigpit ang ama.

“Salamt anak, salamat.” Anito.
avatar
retblast19
• SuperForum Moderator

Posts : 78
Join date : 2009-04-27
Location : Batangas City

View user profile http://profiles.friendster.com/ninetailedbeast

Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum