Kabanata VII

Go down

Kabanata VII

Post by retblast19 on Tue Apr 28, 2009 5:38 pm

Naalimpungatan si Mary ng maramdaman niyang may nakamasid sa kanya. Bigla siyang napatayo ng makitang pinagmamasdan siya ni Manuel.

“Bakit dyan ka natutulog?” anito sa kanya.

“Hindi ko kasi alam na nakatulog na ako ditto eh.”
Depensa niya.

“Akala ko pagdating ko dito wala ka na,” anito at napasulyap si Mary sa wall clock, ala-sais na pala ng hapon. Hindi niya alam na makakatulog siya ng matagal, “Kumain ka na ba?” tanong nito.

“Hindi pa,” tugon niya.

“Bumangon ka na diyan, sabay na tayong kumain.” Anito at dumiretso sa kusina, sumunod naman siya dito. May nakahain na sa hapag kainan. Matagal na marahil dito ang binata pero hindi man lang siya ginising.

“Kanina ka pa na dito?” tanong niya habang kumakain.

“Medyo” anito.

“Bakit hindi ka umalis, I mean inaasahan ko pagdating ko dito wala ka na. Akala ko nga ilang police car na naghihintay sa akin dito.” Anito na matiim na tumitig sa kanya.

“Hindi ko naman gagawin yun, na magsuplong kasi wala ka naming ginagawang masama sa akin,” aniya

“Kahit kinidnap kita?” tanong nito.

“Oo, alam ko naman na hindi ka naman masamang tao, nalilito lang ako kung bakit mo ginawa iyon.”aniya.

“Hindi pa panahon, malalaman mo rin sa tamang oras.” Anito saka sumubo. “Kumain ka na lang.”

“Ah siya nga pala, may sasabihin ako sa’yo eh…tungkol dun kay Diana,” nahihiyang banggit niya.

“Ah kay Diana? Balita ko tumawag nga siya eh.” Pagdudugtong ng lalaki tapos bahagyang ngumiti.

“Eh, kasi ,,” alumpihit niya na hindi magkaintindihan kung ano ang gagawin sa upuan. Ikinatawa naman ni Manuel ito ng malakas. Foe the first time nakita ni Mary itong tumawa pero iba ang dating nito sa kanya. Nag init bigla ang mukha ni Mary.

“Bakit ka tumatawa? Porke ba na sinabi ko dun sa Diana na yun na asawa kita ha. Eh ano ngayon, kasalanan ko ba na nagselos ako at tinwag pa niya akong maid, natural magagalit ako!.” Mabilis na sabi niya sabay tutop sa bibig, hindi niya nakontrol ang sarili, nakita niya na matiim na nakatitig sa kanya si Manuel, napangiti ito.

“Siya kasi eh, biruin mo…”pinutol ng binata ang sasabihin niya.

“Hindi ako galit, natutuwa pa nga ako kasi nagkaasawa na pala ako, hindi ko pa alam,”biro nito na lalong ipinag init ng mukha ni Mary. Dali daling tumakbo si Mary sa silid. Ewan niya pero pag dating kay Manuel, napakasensitive niya. Parang lulubog siya sa kahihiyan. Nasabi niya sa binata na nagseselos siya at pinagtawanan lang siya nito. Dahil ba may Diana na ito. “The hell with that girl” aniya habang patuloy sa ang pag agos ng kanyang luha.

Naramdaman niya na bumukas ang pinto, hindi siya kumibo. Naramdaman niya na humaplos ang kamay nito sa buhok niya.

“I’m sorry, hindi ko alam na masasaktan kita,” maamo nitong saad..”Humarap ka sakin Mary,” anito sa unang pagkakataon ay Mary ang itinawag niya at hindi Ms. Damole. Sumunod siya sa sinabi nito. Pinahid ng lalako ang mga luha niya.

“Hindi ka lang pala madaldal, iyakin ka din pala,” anito

“Ikaw kasi..”bago pa niya naituloy ang sasabihin ay hinapang na ng mga labi ni Manuel ang mga sasabihin ni Mary. Naghinang ang kanilang mga labi. Masuyo, matagal, nang aarok.. tulad ng unang nangyari noon. Bumigay na naman ang kanyang katinuan. Parang inari nilang kanila ang mundo. Bumaba ang labi nito patungo sa leeg niya. Hanggang sa maramdaman niyang gumagapang na ang mga kamay nito sa mga sensitibong bahagi ng kanyang katawan. Wala siyang maramdamang tagtutol sa dibdib, bagkus ay pagtitiwala, at pagbibigay ng sarili sa lalaking halos hindi pa niya alam ang pagkatao.

Unti-unting tinatanggal ni Manuel ang kanyang kasuotan. “Mary, please tell me to stop,” pero labag sa kalooban ni Mary ang gagawin. Nang hindi marinig ng binata ang tugon ng dalaga ay itinuloy nito ang ginagawa. Hanggang sa pareho na nilang nakalimutan ang kanilang sariling katinuan. Hanggang sa naghalo ang impit na daing na nanulas sa labi niya kasabay ng pagtulo ng kanyang luha sa kanyang mga mata. Paabot ng binata na ipaasam sa kanya ang ligaya, ngunit natigilan siya ng may matuklasan siya dito. “My God, how can I do this to you?” anitong nasabunutan ang sariling buhok. “I don’t know, why don’t you tell me that your… hindi nito naituloy ang sasabihin, napakumpas ito sa hangin. Nasasaktan si Mary sa naging reaksyon nito na parang pinagsisisihan ang kanilang ginawa.

“Manuel hindi ka dapat magsisi, pareho natin iyong ginusto!” aniya habang tumutulo ang luha.

“Hindi ito dapat mangyari, my god,” anito at tumayo at nagbihis. “ihahatid na kita bukas,” pagkatapos ay saka lumabas ng kwarto na ikinahagulhul ni Mary. Pagkatapos ng mga nangyari ay basta na lang siya itatapon ng binata. Wala ba talaga siyang halaga dito at talagang galit ito sa kanya na hindi naman niya alam ang dahilan. Kung ayaw sa kanya ng binata ay hindi niya ipagpipilitan ang sarili niya dito. Aalis siya bukas na bukas din at hindi na siya magpapaalam dito.

avatar
retblast19
• SuperForum Moderator

Posts : 78
Join date : 2009-04-27
Location : Batangas City

View user profile http://profiles.friendster.com/ninetailedbeast

Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum