Superhero sa Puso ng mga SuperFriends
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Kabanata IV

Go down

Kabanata IV Empty Kabanata IV

Post by retblast19 Tue Apr 28, 2009 5:31 pm

Napamura sa hangin si Manuel dahil hindi niya mahagilap si mary. Nagkaroon ng emergency sa institution kaya hindi na niya nakuhang i check kung nakalock ang lahat ng pinto. Pero nasiguro niyang nakalock ang harapan kaya malamang sa likod ito dumaan.

“My GOD,” bulong ni Manuel sa sarili habang binabagtas ang daan patungo sa likod ng bahay. Delikado sa lugar na iyon. Nasisisigurado niya na sa pusod ng kagubatan hahantung ang dalaga. Maalin sa lapain ito ng mga mababangis na hayop ay paglaruan ito ng mga taong gubat. Ewan niya sa sarili pero kabadong kabado siya ng mga oras na yon, na una niyang naramdaman buhat sa nangyari sa pamilya niya. At ngayon na lang naulit iyon. Kailangan niyang mahanap ang dalaga. Ngayon, na malapit nang matupad ang minimithi niya. Napanuod na niya sa TV na ipinapahanap na ni MR. MARLO DAMOLE, ang taong sumira ng pamilya niya. Ang taong matagal na niyang balak paghigantihan at ang anak nito ang kanyang napagbalingan. Lakad takbo na ang ginagawa niya, hindi na niya ininda ang mga siit na sumusugat sa mukha at braso niya. Bakt ba alalang alala siya sa babaeng yun. “Dahil gusto mo siya” sigaw ng utak niya. Hindi pwede ayaw niyang aminin na iyon ang dahilan.

Nagsisisi si mary kung bakit pa niya piniling tumakas. Kung alam lang niya na ganito ang kalalabasan. Takot na takot siya habang umaatras, isang mabangis na baboy ramo ang unti unting lumalapit sa kanya. Napatigil si mary ng wala na siyang maatrasan. Pumikit siya dahil malapit na ang baboy ramo sa kanya. Katapusan na niya. Hinintay na lang niya ang mangyayari, ngunit napatili siya ng pagmulat niya’y Makita niyang patay na at naliligo sa sariling dugo ang naturang hayop.
Naramdaman niyang may tumakip ng kaniyang bibig..

“Wag kang maingay,”pabulong na sabi ni Manuel, nakahinga ng maluwag ang dalaga ng maramdaman ang presensiya nito.

“Paano mo napatay yung hayop”tanong niya.

“Binaril ko, may silencer ang gamit kong baril para hindi tayo marinig ng mga taong gubat, kapag nagkataon, isasahog nila tayo sa hapunan nila”tila nananakot na wika nito,”Tayo na”

“Teka, sandali lang,” aniya at namimilipit na tumayo.

“Bakit na naman,” naiiritang wika ng lalaki.

“Naiihi ako, saan pwedeng manubig?” nahihiya niyang tanong. Napasipa ang lalaki tanda ng pagka irita.

“Doon, safe siguro doon, kubli doon para hindi kita mabosohan” anito na idiniin pa ang salitang “mabosohan” Nagkubli siya sa malalagong damo at nagsimulang manubig ng mapanganga siya ng Makita ang isang cobra na nakaharap sa kanya.

“AHHHHHH,,tulong,” malakas niyang tili, ngunit bago pa siya matuklaw ng makamandag na ahas ay nalundag na siya ni Manuel kaya hindi siya tinamaan ng pangil nito. Pinaputok ni Manuel ang dalang kalibre ng baril, sapol sa ulo ang kaya hindi na ito nabuhay. Namangha si mary sa nakitang husay ng binata sa paggamit ng baril. Kaya hindi na niya namalayan na nakadagan na sa kanya ang binata.

Matagal sila sa ganoong posisyon. Pareho silang habol sa paghinga dahil sa sunod sunod na insidente. Nagkatitigan sila, matagal,mayamaya pa ay naramdaman na lang niya ang paglapat ng labi nito sa kanya. Dampi lang nung una. Nang kalaunan ay lumalalim ang halik nito. Hanggang lumalaban siya sa nang aarok nitong halik. Napakapit siya sa leeg nito, tanda na sinusuko na niya sa lalaki ang sarili na tila ba matagal na silang magkakilala, na parang may pag ibig na namamagitan sa kanila. Hindi malaman ni mary kung bakit madali siyang nadala sa halik ng estrangherong kumidnap sa kanya. Nakapikit pa siya habang ninanamnam ang halik nito ng maramdaman na magkalayo nap ala ang mga labi nila at nakatitig na sa kanya ang lalaki. Namula siya sa pagkahiya.

“Bumangon ka na diyan bago pa tayo datnan ng kamalasan.” Anito, tapos ay sumulyap sa pang ibabang bahagi ng kanyang kasuotan. ”Itaas mo na yang pantalon mo at baka kung ano pa ang magawa ko sayo.” Lalo siyang namula dahil sa nangyari, nakalimutan niyang itaas ang pang ibabang kasuotan niya. Walang salita lumabas sa kanyang bibiig.

“Bilisan mo kung ayaw mong maging hapunan.” Anito na ikinainis ng dalaga. Antipatiko talaga ang lalaking ito. Mabuti na lang at pantaloon na lang ang hindi pa niya naiitaas, kung hindi baka mahimatay siya sa sobrang hiya. Sanay pa naman siya na magsuot ng bikini lang bilang saplot pero pagdating sa lalaking ito ay parang gusto niyang umiyak dahil sa labis siyang ipinapahiya nito. Inis na inis siya hanggang makauwi sila ng bahay.
retblast19
retblast19
• SuperForum Moderator

Posts : 78
Join date : 2009-04-27
Location : Batangas City

http://profiles.friendster.com/ninetailedbeast

Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum