Kabanata XIII

Go down

Kabanata XIII

Post by retblast19 on Tue Apr 28, 2009 6:15 pm

Kanina pa kinukutuban si Manuel. Malapit na siya sa airport ngunit mas pinili niya munang magpakalayo, ramdam niya kasi na kanina pa may sumusunod sa kanya. Pinili niyang umalis at magpakalayo sa dalagang kanyang mahal. Tinanggap niya ang offer sa state kesa naman masaktan lang siya dito. Alam niya na maiiwan niya sa Pilipinas ang kanyang puso pero mas pinili niyang mag pakalayo upang matahimik si Mary. Masakit para sa kanya ang mga binitawan nitong salita noong huli nilang pag uusap.

Iniliko niya ang sasakyan upang umiwas sa mga sumusunod sa kanya. “Shit! Nakasunod talaga ang mga ito.” Mura niya nang bigla siyang magpreno dahil may humarang na sasakyan sa kanyang harapan. Nagbabaan ang mga armadong lalaking sakay nito.

“Baba diyan!”utos ng lalaki. Bumaba si Manuel ngunit nagawa niyang sipain ang baril nito, dala ng husay niya sa labanan. Walang nagawa ang unang lalaki. Naisip ng binata ay mamamatay lang din siya, maganda ang mamatay ng lumalaban. Ngunit sa huli ay nakorner siya dahil marami pang kalalakihan ang nagbabaan at tinutukan siya ng baril. Napilitan siyang sumakay sa kotse ng mga ito.

“Sinong hudas ang nag-utos sa inyo nito?”galit na tanong niya.

“Basta sumama ka na lang boss.” Wika ng isa sa mga lalaki.

“Saan niyo ako dadalhin?” ni isa sa mga tinanong niya ay walang sumagot. Nilagyan ng posas ang mga kamay niya at piniringan siya.

“Ano ba! Bitawan niyo. Pag nakatakas ako dito, ililibing ko kayo ng buhay.” Gigil na sabi ni Manuel.

Matagal na oras pa ang lumipas ng maramdaman ni Manuel ang pagbaba niya sa sasakyan at ang pagbagsak niya sa isang kama, nasa loob na siya ng isang silid.

“Sorry bossing, napag utusan lang kami.” Sabi ng isang lalaki sabay sinarhan ang pinto.

Mayamaya pa ay naramdaman niya ulit na may pumasok muli sa silid. Umupo ito sa tabi niya at tinanggal ang kanyang posas. Dali-dali namang tinanggal ni Manuel ang piring sa mga mata.

“Ikaw?” nabiglang sigaw ng binata.

“Ngayon, alam mo na akala mo ikaw lang ang marunong mangidnap no? ano ang feeling ng nakidnap, Mr. Chua?” ani Mary na siyang utak ng lahat ng pangyayari.

“Mary, wala akong…”

“Shhh.. I know and I’m sorry. Nabigla lang ako sa mga sunod-sunod na nangyari. Sa tinagal ng panahon na di tayo nagkita hindi mo man lang ako namiss. Tapos nadatnan ko pa na may kasama kang ibang babae sa bahay mo.” Aniya rito.

“Hindi mo kasi ako pinagpaliwanag. Kaya nandun si Diana kasi ng malaman ko sa Daddy mo na buntis ka, sinabi ko na tigilan na niya ang panliligaw sa akin.” Biro ng binata.

“ang kapal pa rin talaga ng apog mo! Pero bakit mo ako makakayanang iwan?”tanong ng dalaga.

“Honestly, mahirap para sa akin na gawin iyon. Masakit para sa akin ng malaman ko na… congrats sa inyo ni…” hindi na nito natuloy ang sasabihin ay tumawa na si Mary ng malakas. Napakunot naman ang noon g binata.

“Bakit ka naman tumatawa?” pagtataka ng binata.

“Sayo ang baby na dinadala ko Manuel, ano kaba?” aniya.

“Pero bakit lagi kayong magkasama ni Dr Con, sobra akong nagseselos sa kanya.” Anito. Lumapit ang dalaga kay Manuel at niyakap niya ito.

“Mr. Brig. Gen. Manuel Chua Jr., Mr. Con Ceal isa gay”Nakangiting wika niya. Bakla ang kaibigan kong yun. Hindi lang niya pinapahalata. Kaya malimit ko siyang kasama kasi siya ang naka assugn to make a daily check-up sa baby natin.” Nagulat naman si Manuel sa natuklasan. Hindi niya alam na sa bading pala siya nagseselos.

“Dapat pala akong magpasalamat sa kanya,” anito at hinimis ang tiyan ni Mary. “Hindi kaya mapaglihian mo ang mga baliw dun at maging baliw ang anak natin?” nakangiting sabi ng binata.

“Sira” aniya sabay kurot dito.

“Kaya pala tinatawanan ako ni Apol nang minsan magselos ako sa inyong dalawa at sinabi kong magboyfriend kayo” anito ng maalala ang pangyayaring iyon. Napabuntong hininga si Manuel ng maalala ang kapatid. “Kawawa naman si Apol.”

“Hindi pa diyan natatapos ang sorpresa ko sayo Manuel, halika,” aniya at hinila niya ang binata papuntang bintana kung saan tanaw ang garden. Natulala ang binata ng Makita niyang nagkekwentuhan sina ALing Anna, Don Marlo at ang kanyang kapatid at mga ilang kalalakihan doon. Napansin sila ng mga nasa ibaba. Kumaway naman ang Daddy ni Mary.

“Anak, okay na ba?” malakas na tanong ng Don.

“Yes Dad, everything is under my control.” Biro niya.

“Hi kuya,” bati naman ni Apol.” Hi Mary, ano kasal na ba sunod niyan?” tanong nito na ikinabigla naman ni Manuel.

“Itanong mo sa kuya mo.”ganting sigaw niya sa kapatid ni Manuel na binalikan na ng tamang pag iisip.

“”Kuya alam mo na gagawin mo.” Sabi ni Apol na nag thumbs-up pa dito. Hindi na nagawang sumagot ni Manuel, binuhat niya ang dalaga at dinala sa kama.

“Paanong nangyari na…”

“Dumalaw si Daddy sa Mental Hospital kung nasan si Apol. Nag-usap sila ni Daddy, humingi siya ng sorry dito. Dahil don bumalik si Apol sa tamang pag iisip. Pero tanggap na niya na mali ang relasyon nila ni Daddy.” Nakangiting pagpapaliwanang ni Mary ng mapansing nakatitig sa kanya ang binata.

“Bakit?”

“Paano kita mapapasalamatan Mary?” anito at napangiti ang dalaga.

“Tama na ang panagutan mo ang baby natin at mahalin mo ak ng habang buhay.” Aniya.

Kinuha ni Manuel ang kamay ng dalaga at may dinukot ito sa bulsa. Inilabas nito ang isang diamond ring at sa bato nito ay nakadesign ang isang cobra.

“Kahit hindi mo sabihin, gagawin ko yun. Will you marry me Ms. Mary RosePete Damole?” tanong nito.

“Bago ko sagutin tanong mo, pwede magtanong, Bakit kobra ang nakadesign jan sa ring ko? Pwede namang heart or whatever, bakit cobra pa?”aniya at sinipat ang singsing.

“Kasi po, did you remember when I first kiss you, yung nakalimutan mong itaas ang pantaloon mo? Nang muntik ka ng matuklaw ng cobra? Dun ko narealize na mahal na mahal kita.” Anito sa dalaga.

“Talaga, ganun pala eh, yes I will marry you because I LOVE YOU VERY MUCH MR. KIIDNAPPER!”

Napakunot ang noon g binata habang sinusuot ang singsing. Mahal na mahal din kita MRS. KIDNAPPER.” At sabay silang nagtawanan.

“Pwede siguro dagdagan natin si baby?” pilyong wika nito.

“Sira ka talaga, buo na siguro yan no.” wika ng natatawang dalaga.

“Para malakas ang muscles niya,” anito sabay sibasid ng halik,

“Namiss ko ang ganito,” ani ng dalaga.

“Sandali lang huh.”anito sabay silip sa bintana at sumigaw.

“Don Marlo, Apol, Aling Anna, wala munang istorbo huh.”pilyong sigaw nito at sabaysabay naman napangiti ang mga nakarinig.

“Loko ka talaga no.” ani Mary na lubos lubos ang kaligayahan.

“Hindi, umiibig lang po.” Pilyong ngumiti ang binata. “Ano ready ka na?” anito at pagkatapos ay minsan pang tinikman nila ang tamis ng pag-ibig, ninamnam ang sandaling kanilang pinakahihintay. Inari nilang kanila ang mundo.
avatar
retblast19
• SuperForum Moderator

Posts : 78
Join date : 2009-04-27
Location : Batangas City

View user profile http://profiles.friendster.com/ninetailedbeast

Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum