Kabanata VIII

Go down

Kabanata VIII

Post by retblast19 on Tue Apr 28, 2009 5:42 pm

Nagmamadaling lumabas ng bahay si Manuel ng Makita niyang wala na sa silid si Mary, wala na din ang ilang gamit ng dalaga. Hindi rin nito dala ang sasakyan. Mahihirapan din itong maghanap ng masasakyan palabas ng kabayanan. Bago siya natulog ng nagdaang gabi ay pinagplanuhan na niya ang lahat. Dahil sa nangyari ay ihahatid muna niya ang dalaga at bahala na sa susunod. Aayusin muna niya ang mga bagay bagay at saka na lang niya pananagutan ang mga nangyari. Pero paano ang plano niya? Nawalan ng saysay lahat ng ginawa niya. Pero wala siyang pakialam, ang mahalaga ay maprotektahan niya ang dalaga.

Parang lumilipad sa bilis ang sasakyan ni Manuel. Hindi niya alintana ang alikabok sa daan. Ang mahalaga ay maabutan niya ang dalaga bago pa may mangyari ditong masama.

Sa tahanan nila Mary ay nanlulumo nang pauli uli si Don Marlo Kinney Damole.

“Gen. Manalo, wala pa bang balita?”tanong nito.

“Sir, hindi tumitigil ang mga tauhan ko sa paghahanap sa inyong anak. Babalitaan na lang po naming kayo,” tugon ng head ng police na nag aasikaso sa pagkawala ni Mary.

“For Godsake, almost one week na siyang wala, don’t you tell me na wala pa kayong alam kung saan siya dinala?” mataas na ang boses ng matanda sa sobrang tension.

“Ginagawa po naming lahat, Don’t you worry, magdadagdag po ako ng tauhan Don Marlo.”sabi ng heneral.

“Make sure na madadala niyo ditto ng buhay ang anak ko!”pasigaw na wika nito.

“Marlo ang puso mo, mag hinayhinay ka, matatagpuan din natin ang alaga ko,”ani Aling Anna na nagigilid na din ang mga luha sa mata.

“Natatakot ako Anna,” nanghihinang pa gamin ng Don.

“Wg kang mag alala, may awa ang diyos.” Ani Aling Anna.

“Magbabayad ng mahal ang taong nasa likod nito Anna!” maluha luhang wika ng Don.

“Tama na yan, magpahinga ka muna, Marlo!” ani ng matandang katulong.

Hapong hapo na si Mary dahil sa nararamdamang pagod. Parang gusto niyang magsisi kung bakit hindi siya nagpaalam sa lalaki. Mahaba haba na rin ang nalalakad niya pero hindi pa rin siya makakita ng masasakyan. Namahinga siya sandali sa lilim ng isang punong kahaoy. Tumatagaktak na ang kanyang pawis. Maya maya pa ay may natanaw siyang trysikel na paparating. Pinara niya agad ang naturang sasakyan.

“Miss, saan ang punta mo?” sabi ng isang lalaki na mapungay ang mata. Sa likod nito ay may isang maskuladong lalaki na halatang galling sa inuman.

“Ah, hindi na ho.”nahintakutang sagot niya. Hindi umalis ang dalawa bagkus ay bumaba pa sa sinasakyan. Ngingisi ngisi ang dalawa na lango sa espirito ng alak.

“Sakay ka na Miss, ihahatid ka naming sa langit” anito at hinawakan siya sa dalawang braso.

“Bitawan niyo ko, ano ba! Bumyahe kayong mag isa sa langit.”

“Aba, matapang tol, mas masarap to tol,” sabi ng lawala. Kinakabahan na siya. Anong laban niya sa dalawang ito.

Kinaladkad na siya ng dalawa papunta sa sasakyan. Nagpumilit siyang kumawala dito ngunit kulang ang lakas niya para pigilan ang dalawa.

“Bitawan niyo siya!” sabi ng isang pamilyar na tinig.

“At sino ka naman, gusto mo atang makijaming samin, halika, samahan mo kami”sabi ng matipunong lalaki.

“Sabi ng bitawan niyo siya,”sabi ni Manuel sabay igkas ng kamo. Lugmok sa lupa ang lalaking tinamaan ng kamao ni Manuel. Napatingala si Mary ng Makita niya si Manuel. Napanganga siya ng Makita sa likod nito na may hawak na patalim ang isa sa mga lalakiat sasaksakin si Manuel.

“Manuel sa likod mo!”bago pa ito nakaigpas ay nasipa na ni Manuel ang lalaki ngunit nadaplisan siya ng patalim sa balikat niya, hindi ito ininda ni Manuel.

InaperCUT niya ang sumunod na lalaki at sinuntok ng sunod sunod ang lalaking may hawak na patalim. Timbuwang ang dalawang lasing, pero hindi nakaligtas sa paningin ni Mary ang mapulang dugo na nanggagaling sa balikat ni Manuel.

“Go to the Car!” nag uutos na wika ni Manuel.

“Pero Manuel may…”

“I said go to the car!”mabagsik na wika nito kaya mabilis siyang tumakbo patungo sa sasakyan. Kasunod na din niya si Manuel at inistart agad nito ang sasakyan.

“Hindi ba pwedeng gamutin muna natin yang sugat mo?”nag aalalang turan ni Mary.

“Bakit Doktor ka ba?”

“Hindi, pero marunong akong mag first aid”aniya

“No need, kayak o pa ito, saka ano naman sayo kung mamatay ako at maubusan ng dugo”mapaklang sabi ng binata.

“Manuel, pwese ba” naiinis na wika niya. “Mamaya na ang argumento, kaya mo bang magmaneho ng ganyan?” aniya
Ngunit sa halip na sagutin niya ang tanong nito ay iba ang sinagot niya.

“Bakit umalis ka ng hindi nagpapaalam?”pakli nito.

“Eh ano naman sayo kung hindi ako nagpaalam, hindi naman ako mahalaga sayo di ba?”halukipkip ng dalaga kahit duda siya sa sinabi niya. Dahil kung hindi siya importante sa binata ay hindi siya nito ipagtatanggol nito. Tingin niya tuloy dito ay si Manuel ang SUPERHERO niya. Napangiti siya dahil don.

“Anong nginingiti mo diyan?” kunot noong tanoing ni Manuel.

“Huh, wala, masama bang ngumiti?” aniya na ikinainis nito.

“Maganda siguro sa Mental na kita ituloy” walang kangiti ngitng saad nito.

“Anong palagay mo sa akin, nasisiraan ng bait,”nanghahabang ngusong turan niya. Napasulyap sa kanya ang binata at napatawa ito sa hitsura ng dalaga.

“Oh, yan, guwapo ka naman pala pag tumatawa ka eh.” Sabi niya sabay tapik sa balikat nito.

“Aray….ano ka ba?”anito dahil tinamaan ang sugat sa balikat.

“Ay sorry…hindi ko sinasadya” aniya na nabigla rin sa nagawa. Hindi naman sumagot ang napakamot sa ulong binata.
avatar
retblast19
• SuperForum Moderator

Posts : 78
Join date : 2009-04-27
Location : Batangas City

View user profile http://profiles.friendster.com/ninetailedbeast

Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum