Kabanata VI

Go down

Kabanata VI

Post by retblast19 on Tue Apr 28, 2009 5:34 pm

Hindi na nga nagisnan ni Mary si Manuel. Nagtuloy siya sa kusina. Tiningnan niya ang lock ng mga pinto, hindi na iyon nakalock. Talagang papaalisin na siya ng binata. Malaya na siyang nakagagalaw sa loob ng bahay. Nagtungo siya sa veranda ng bahay at laking gulat niya ng magisnan niya ang ganda ng paligid. Siguro nga ay nasa gitna sila ng gubat dahil puro puno ng niyog ang nakikita niya sa labas. Pero tanaw niya ang mga kabahayan sa medyo part eng bayan. Mataas kasi ang lugar na kinatitirikan ng bahay ni Manuel. Pero ayaw ng puso niya na lisanin ang pook na iyon lalo na kung ang iiwanan niya ay ang binata na kahit sa kabila ng mga pinapakita nitong galit sa kanya ay natutunan na niyang mahalin.

Pumasok siya ng silid upang maghalungkat ng mga damit, hindi na niya balak dalhin ang mga damit na binili para sa kanya ng binata. Magkahalong lungkot at excitement ang nararamdaman niya. Sabik na siyang makitang muli ang daddy nito. May nasulyapan niyang brown envelope sa gilid ng tokador na umagaw ng kanyang pansin. Sadyang isiningit ito sa doon upang hindi Makita. Nacurious siyang buksan iyon at tumambad sa kanya ang larawan ng isang lalaki na nakasuot ng unipormeng pangsundalo. “MANUEL CHUA JR.” pagkabasa niya sa pangalan nito, kung gayon ay Manuel ang pangalan ng binata. Brig. General MANUEL CHUA JR. next to the step of his father General Manuel Chua Sr. Nabasa niya sa headlines ng diyaryo na nakapaloob din sa brown envelop . kung gayon mataas pala ang tungkulin ng binata, kaya pala sanay itong gumamit ng baril at magaling din itong magligtas ng buhay. Lumaglag pa roon ang isang larawan ng dalawang babae. Mag kamukha iyon na matutukoy na mag ina. Nakita niya na nakasulat sa likod niyon, ”Mrs. April Anne Chua and ms. Apol Chua. Kung ganun,kapatid at ina ito ni Manuel. Parehong maganda ang dalawa. Kuhang kuha sa maamong mukha ni Manuel. Nasaan ang mga ito kung ganun. Pero hindi niya alam ang mga sagot sa katanungan niya.

Lumabas siya ng silid matapos niya maibalik ang envelop. Naghalungkat siya sa ref. at nangialam doon. Matapos kumain ay nagring ang telepono. Dali-dali niyang sinagot iyon sa pag aakalang si Manuel iyon. Ngunit babae ang caller.

“Hello Manuel, bakit hindi mo man lang sinabi sakin na pupunta ka ng batangas, di sana nasamahan kita diyan” Mabilis na wika ng babae sa kabilang linya.

“Sorry Miss pero hindi ito si Manuel” sagot ni mary sa kausap.
“Kung ganun nasaan na si Manuel, tawagan mo nga at sabihin mo si DIANA ito, bilisan mo at naiinip ako!” anitong nag uutos at kahit sa telepono ay halata ang pagiging mataray nito.
Nagpanting ang tenga ni Mary dahil sa tanang buhay niya, hindi siya sanay ng inuutusan.

“Excuse me, who the hell are you para utusan ako,” gigil niyang saad.

“Aba, maid ka lang kaya sumunod ka sa nobya ng amo mo.” Kabiglang wika nito. Ewan ba niya pero nasaktan siya sa narinig na may nobya na ang binata. At ang ingrate tinawag pa siyang “maid”.

“Hoy babae, hindi ako maid at hindi mo ako pwedeng utusan.” Galit na wika niya.

“Kung hindi ka maid, sino ka!!” taking tanong nito sa kabilang linya.

“ASAWA niya,”pagkasabi niya niyon ay bigla niya itong binagsakan ng telepono.

Para matanggal ang inis, nilibang niya ang sarili sa panonood ng telebisyon. Hanggang makaramdam siya ng antok. Nahiga siya sa sofa hanggang sa hilahin siya ng antok.
avatar
retblast19
• SuperForum Moderator

Posts : 78
Join date : 2009-04-27
Location : Batangas City

View user profile http://profiles.friendster.com/ninetailedbeast

Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum