SPECIAL PART(SUPERFRIENDS)

Go down

SPECIAL PART(SUPERFRIENDS)

Post by retblast19 on Sun May 10, 2009 11:38 am

Sa wakas, natupad din ang lahat ng pinapangarap ni Mary. Pagkalipas ng limang taon, may sarili na silang pamilya ni Manuel. Hindi niya akalain na sa dinami-dami ng trahedyang dumating sa buhay nila ni Manuel ay magagawa nila itong lampasan sa ngalan ng pag-ibig.

“Mommy, kelan po punta natin kina lolo?” tanong ng bunsong anak ni Manuel at Mary na si Phatty.

“Yes mommy, miss ko na rin po yung luto ni nanay annalyn.” Wika naman ni mhie na panganay nilang anak.

“Anak, next week subukan nating dumalaw ulit kina Daddy, medyo busy na din si Mommy eh, si Daddy mo naman busing busy din, klaya baka hindi na din natin siya makasama.”

“Mary, pano yan, malapit na din birthday ni ate juday at ate rita, invited daw lahat ng members ng group natin. Ininvite din niya yung mga bata para mabigay na din daw nila yung mga gifts nila.” Wika ni Apol na kasama nila sa bahay upang alagaan ang mga anak ng kapatid kapag nasa opisina ang dalawa.

“Ma, alis na ako, may appointment pa ako kay Gen. Manalo. Baka malate na rin ako eh. Sabay na lang kami ni General magbreakfast para diretso na din. Oh Apol, pagkatapos niyo jan hatid mo na sila phatty sa school nila, pati si mhie,” ika ni Manuel habang nakaharap sa salamin at nagsusuklay.

“Yup, kuya ako na bahala sa kanila.” Wika ni Apol na naghahanda na ring umalis.

“Pa, ano oras naman uwi mo? Dito ka ba maglulunch?” wika naman ni Mary sabay tayo at inayos ang kurabata ni Manuel.

“Uwi din ako mamaya. Konti lang naman paguusapan naming ni Gen. Manalo. Tsaka ayoko naman palampasin ang masarap na dilis ng mahal kong asawa.” Wika naman ni Manuel sabay halik kay Mary at niyakap ito.Hinalikan din niya si phatty at mhie at nagpaalam na.

“Fly high Daddy!” wika ni phatty na madalas niyang sabihin dito sa tuwing aalis ito.

“Fly High anak” wika naman ni Manuel sa anak sabay labas ng bahay.

“Mhie, phatty,bilisan niyo na jan. malalate na kayo sa school.” Wika ni Mary sa mga anak.

“Tiata Apol, pwede po ba daan po ulit tayo kina marl at april anne, kasi sabay daw po ulit sila sa atin. Nasiraan na naman daw po kasi yung auto nila.” Wika ni mhie sa tita niya.

“Oo, sige na, hindi naman ako makakatanggi eh” sagot nito na sa totoo naman ay gusto lang nitong makipagdaldalan sa mga kaibigan. Lagi na nitong nirequest iyon at sinasakyan lang niya ang kanyang pamangkin.

“Bye anak, Apol ingat sa pagdadrive.” Pagpapaalam ni Mary.

Lumalalim na ang gabi ay hindi na mapakali si Mary. May nararamdaman siya na masama.

“Oh, sino naman yang tinatawagan mo, balisang balisa ka ah?”wika ni Princess na naging kaibigan na ni Mary simula ng maging mag asawa sila ni Manuel.

“Kasi, kanina ko pa tinatawagan si Apol, out of coverage phone niya, pati si mhie eh walang sumasagot sa phone.” Nagaalalang wika ni Mary.

LAUGHTRIP MODE
(Walang load si Mary kaya hindi niya matawagan si apol at ang mga anak niya Laughing)

“Baka naman lowbat, o kaya nasa school pa. Alam mo naman na bawal cellphone sa school.” Wika ni Princess.

“Si Manuel na lang tawagan mo, baka kasama nila.” Sabat naman ni Jasz na nasa backseat ng sasakyan.

“Huh? Kanina ko pa din siya tinatawagan, busy yung phone niya. Tinawagan ko na din si Mharicel yung sekretarya niya sa office, kanina pa daw siya nakaalis, may kasama daw babae nung umalis. Hindi naman daw kilala ni cel.” Wika ni Mary na sobrang nag aalala na.

“Baka naman may emergency meeting lang siya. O di kaya may iba nang dinadate yang mister mo. Aba eh baka sawa na sayo.”Pagbibiro pa ni Princess.

“Pwede ba Princess, nag aalala na ako. Kung emergency meeting man yun, dapat itinawag na niya sa akin. Dapat nasa haous na sila nang time na to.” Hindi na talaga mapakali si Mary dahil kung ano ano na ang puamapasok sa isip niya.

“Hay naku MRS CHUA, puntahan na lang kaya natin sa office, baka nakabalik na din yun.” Wika ni jasz na parang walang pag aalalang nararamdaman.

“Sige, mabuti pa nga, talagang hindi ko alam ang gagawin.” Wika ni Mary sabay paling ng manibela patungong makati kung saan naroroon ang kumapanya nila.

Pagkarating nila sa kumapanya ay sinalubong agad sila ng gwardiya doon at may binigay na kapirasong papel na may nakasulat na salitang “MAHAL”, nagtataka si Mary sa nangyayari, pero naiisip pa din niya ang mga anak. Itinuro ng guard sa kanya kung nasan ang boss nila. Sumakay sila ng elevator at nang makarating sila sa 10th floor kung nasan ng main office ng kumpanya ay sinalubong naman sila ni Cel at may binigay ulit na kapirasong papel kay Mary na may nakasulat na “KITA”. Wala pa ring ideya si Mary sa mga nangyayari pero ang mga nasa likuran niyang kaibigan ay halatang kinikilg na.

“Mam, nasa Event Center din po sila sir pati p[o mga anak niyo ay nandun din.”wika naman ng sekretarya ni Manuel at itiro ang daan patungong Event center.

“Huh? Ano namang ginagawa nila dun?” dumiretso agad siya ng Event Center at pagkatapos niyang pumasok ay tanging dilim lang ang naabutan niya.

Biglang bumukas ang ilang ilaw sa Event center at nakatutok iyon kay Manuel at Mary. May hawak si Manuel na tarpulin at nang ibaba niya iyon ay nakasulat ang katagang “MRS. KIDNAPPER”

PAST MODE
(sinong nakakaalala sa tarupilin moment na yan)

“Happy anniversary Ma, Happy anniversary MRS KIDNAPPER. I love you very much.” Wika ni Manuel sabay power hug kay Mary.

Naluluha naman si Mary sa pangyayari. “Pasensiya ka na Pa, nakalimutan ko, sa sobrang pag aalala ko sa mga anak natin nakalimutan kong anniversary natin ngayon.”

Pagkatapos nilang magyakap ay bumukas na ang lahat ng ilaw sa buong Event Center. Nabigla si Mary ng makita niya ang mga taong nakapaloob sa Event Center. Nandoon ang mga taong nanging parte na ng buhay niya. Nandoon ang Daddy Marlo niya, si Aling Annalyn. Kasama pa nito ang mga Tita niya na sina Judine, Josephine at Johhana na sa pagkakaalam niya ay mga nasa Amerika at may kanya-kanya ng pamilya. Mga kapatid ito ng kanyang Daddy na piniling sa Amerika harapin ang buhay.

Nandun din si Diana, na sa kabila ng mga nangyari sa kanila ay naging mag kaibigan din sila sa huli. Nandun din si Gen Manalo at ang asawa nito. Pati ang paborito niyang college titser ay nandun din kasama ang boyfriend nito na si Rico na matagal siyang niligawan.

Nandun din ang mga naging ninang niya sa kasal na sila Marge, lynn, tita Daisy si Lhaine, si Eds, si Judy, si Rita, si Maui, si Anne at marami pang iba. Nakita din niya na nandoon ang mga anak at si Apol at mga kaibigan nito. Hindi siya makapaniwala na magiging ganito kaespecial ang anniversary nila.

“Nagulat ka bas a regalo ko sayo?” wika ni Manuel na nakatitig sa kanyang asawa.

“Hindi ko akalaing ito pala ang pinagkakaabalahan niyo ni General Manalo. Ngayon ko lang naalala na Event organizer si Mrs Manalo. Hindi naman pwede na ikaw lang may regalo. Meron din akong regalo say o.” wika ni Mary na may luhang pumapatak dala ng ligaya.

“Talaga? May regalo ka sa akin, akala ko ba nakalimutan mo na anniversary natin.” Pagbibiro niya dito sabay pahid sa luha ni Mary.

“May Thirdie na tayo! Nagpacheck up ako kay Doc Joime Pasana kahapon, im pregnant, may posibilidad daw na baby boy ang anak ko” masayang pagbabalita niya sa asawa.

“Talaga, magiging tatay na ulit ako. Sa wakas may thirdie na kami!” pasigaw na sabi ni Manuel na narinig naman ng lahat ng tao sa Event Center. Nagpalakpakan naman ang lahat ng tao doon.

“Lets celebrate” sigaw naman ni Gen Manalo sabay kalog sa dala nitong bote ng wine at binasa ang mag asawa.

Masayang nag diwang ang buong pamilya ni Mary at Manuel. Kahit anong daming problema ang dumating sa kanila at dadating pa ay magagawa nila itong lampasan at kayanin dahil walang bagay ang kayang humamak sa taong nagmamahalan. Kakayanin lahat ito ni Mary basta’ kasama niya ang MR. KIDNAPPER ng buhay niya.

-THE END-
[
avatar
retblast19
• SuperForum Moderator

Posts : 78
Join date : 2009-04-27
Location : Batangas City

View user profile http://profiles.friendster.com/ninetailedbeast

Back to top Go down

Re: SPECIAL PART(SUPERFRIENDS)

Post by retblast19 on Sun May 10, 2009 11:40 am

POST YOUR COMMENT ABOUT THE SPECIAL PART
avatar
retblast19
• SuperForum Moderator

Posts : 78
Join date : 2009-04-27
Location : Batangas City

View user profile http://profiles.friendster.com/ninetailedbeast

Back to top Go down

Re: SPECIAL PART(SUPERFRIENDS)

Post by denden22 on Tue May 12, 2009 8:57 pm

Ang saya ng laughtrip mode.. lol!
Kaaliw..hehehehe..
avatar
denden22
• SF Creative Group

Posts : 158
Join date : 2009-04-26
Location : Sa bagong bahay :)

View user profile

Back to top Go down

Re: SPECIAL PART(SUPERFRIENDS)

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum